2 buwan pang palugit sa pagbabayad sa PAG-IBIG Loans, ipinatupad

2 buwan pang palugit sa pagbabayad sa PAG-IBIG Loans, ipinatupad

TUMALIMA na ang Pag-ibig Fund sa Bayanihan 2 kaugnay sa dalawang buwang grace period o palugit para hindi muna magbayad ng utang ang mga borrowers nito.
Saklaw ang lahat ng may utang sa ahensya sa two-month grace period alinsunod sa Bayanihan to Recover As One Act.
Pero nilinaw ni Pag-IBIG CEO Acmad Moti na batay sa batas, hindi moratorium kung hindi grace period lang ang dalawang buwan kaya pasok pa rin dito ang interes sa utang.
“Silent po siya sa interest so ibig sabihin noon, banks can charge 2 months’ worth of interest but no penalties of course, and no interest on interest kasi ‘pag delayed ang payment may interest on interest normally na china-charge, so ngayon bawal ‘yun, ang puwede lang ma-charge ay interes,” paliwanag ni Moti.
Samantala, tahimik pa ang Bangko Sentral ng Pilipinas kaugnay sa dalawang buwang grace period sa mga utang sa mga bangko at kung kailan ito magsisimula.
Sa pahayag ng grupo ng credit card issuers, ang pagbabayad lang ng mga nabili bago mag-September 14 ang pasok sa moratorium.
Pero ang mga nabili pagkatapos naging ganap ang batas, sisingilin pa rin.
“‘Yung minimum amount due ng purchases before September 14, puwedeng hindi bayaran ng 60 days. Pero ‘yung minimum amount due ng purchases after September 14, dapat bayaran na dahil hindi applicable ang grace period doon,” paliwanag ni Alex Ilagan, Executive Director ng Credit Cards Association of the Philippines.

Leave a Reply

%d bloggers like this: