Higit P18K suweldo tatanggapin ng mapipiling ‘contact tracers’

Higit P18K suweldo tatanggapin ng mapipiling ‘contact tracers’

MAKATATANGGAP ng higit sa P18 libong buwanang suweldo ang mga matatanggap na ‘contact tracers’ ng pamahalaan.
     Ito ang inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa patuloy na paghahanap nila ng mga kuwalipikadong aplikante para sa naturang posisyon upang mapalakas ang kampanya ng pamahalaan laban sa COVID-19.
     Ayon kay  DILG-QC Director Emmanuel D. Borromeo, ang  qualified candidates ay tatanggap ng monthly salary na  18,784.00 (Salary Grade 9)  para sa  maximum na apat na buwan.
     “Applicants must have a bachelor’s degree, preferably allied medical course or criminology and must be skilled in data gathering and/or assisted in research and documentation,” ayon kay Borromeo.
     Nagpahayag naman ng suporta si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa programa ng DILG kung saan higit sa 2,000 contact tracers ang kailangan ng lungsod na mapunan.
     “The hiring of more contact tracers is a welcome development in our fight to contain the dreaded virus. Napakahalaga ng tracing dahil ito ang unang hakbang sa trace-isolate-treat method na ating ginagamit upang hindi na kumalat pa ang virus sa mga komunidad,”  pahayag ni  Dr. Rolly Cruz, head ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ng QC Health department.
     Trabaho ng isang contact tracers ang pag interview sa COVID-19 infected at close contacts  para makakuha ng impormasyon tungkol sa  travel history at magsasagawa ng health assessments at iba pa.  Una nang sinabi ng pamahalaan na ipaprayoridad nila dito ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at mga nawalan ng trabaho ngayong pandemya.
     Kinakailangang magsumite ang mga aplikante ng Letter of Intent at Personal Data Sheet (PDS)  na maaring ma-access sa  contacttracing.ncr.dilg.gov.ph, kailangang may NBI clearance at drug test result.  Dapat mai-upload ang mga dokumento https://contacttracing.ncr.dilg.gov.ph. hanggang September 23, 2020.

Leave a Reply

%d bloggers like this: