Ekonomiya ng Pilipinas, apektado sa planong pagkansela ng EU sa tarrif perks

Ekonomiya ng Pilipinas, apektado sa planong pagkansela ng EU sa tarrif perks

MALAKI ang magiging epekto sa ekonomiya ng bansa sa plano ng European Union na  kanselahin ang tariff perks dahil sa sinasabing mga pag-abuso.

Ayon kay dating Commission on Human Rights chief Etta Rosales, maaapektuhan ang 2 billion Euros na exports ng bansa sa panawagan ng European Parliament na suspensyon mas mababang taripa sa Pilipinas.

“That is going to be a big, big toll on our economy that is suffering right now. Our economy is going to suffer in exports… The Filipino people cannot afford that,” giit ni Rosales.

Nanawagan ang opisyal sa economic managers at sa mga awtoridad na pag-aralan na ang panawagan ng EU laban sa pinaigting na drug war ng bansa.

“Think reasonably about the economy, about the welfare of the people,” giit nito.

Gayunman, hinamon pa ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang international body na ituloy ang banta nito.

“Kung gusto nilang dagdagan ang pahirap ng sambayanang Pilipino sa panahon ng pandemya, so be it. We will accept that as history repeating itself,” diin ni Presidential Spopkesman Harry Roque.

“We have hit the rock bottom by way of our economy dahil sa COVID-19. Kung gusto pa magdagdag ng pahirap ng mga Europeans at ikaliligaya nila, go ahead,” dagdag nito.

Sa resolusyon ng EU Parliament, hinimok ang Pilipinas na itigil ang karahasan sa gitna ng drug war, i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN Corp., at bawiin ang mga kaso laban kina Senador Leila de Lima at Rappler CEO Maria Ressa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: