Grace period sa pagbabayad sa water at electricity bills, pinag-aaralan pa

Grace period sa pagbabayad sa water at electricity bills, pinag-aaralan pa

BABALANGKAS pa ng mga hakbangin ang water at energy regulators ng bansa para sa pagpapatupad ng “grace period” sa pagbabayad ng singil sa tubig at kuryente na nakasaad sa Bayanihan 2 law.

Sa ilalim ng batas na Bayanihan 2, may 30 araw na grace period sa pagbabayad sa bill sa tubig at kuryente ngayong mayroon pa ring COVID-19 pandemic.

Sa panig ng Meralco, sinabi nito na pasok na ang palugit sa dati pa nilang anunsiyo na hanggang dulo ng Oktubre ang deadline para mabayaran ang mga natenggang bill noong lockdown.

Subalit ang Energy Regulatory Commission pa rin ang may pinal na desisyon kung paano ipatutupad ang grace period sa singil sa kuryente.

“Sa susunod na linggo, maaasahan ng ating mga [consumer] na kami ay maglalabas ng kung ano man isang advisory o directive para ma-implement kung ano po ang nakalagay sa Bayanihan Act,” pahayag ni ERC commissioner Rexie Baldo-Digal.

Ganito rin ang pasya ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), na nagsabing pag-aaralan nila kung pasok ito sa deadline ng pagbabayad ng Maynilad at Manila Water bills na natengga noong lockdown sa Metro Manila.

Umapela naman ang Meralco sa desisyon ng ERC na nagpataw ng multa sa kanila dahil sa kaguluhang idinulot ng kanilang mga bill noong Abril at Mayo.

Tanggap daw ng Meralco ang P19 milyong multa pero kinuwestiyon nila ang dagdag-diskuwento para sa mga lifeline users na aabot sa P200 milyon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: