Libreng computer tablets para sa mga Aeta

Libreng computer tablets para sa mga Aeta

UPANG hindi rin mapag-iwanan sa ‘blended learning’ ng Department of Health (DOH), nangangalap ng pondo ang iba’t ibang non-government groups para makabili at makapagbigay ng hanggang 150 computer tablets para sa mga mag-aaral na Aeta sa ilang komunidad sa Porac, Pampanga.

Pinangunahan ng mga grupong Peace Kamp, Bangketa Eskwela Foundation, at iba pang NGO ang adbokasiya para makasabay rin sila sa ibang mga mag-aaral na Pilipino.

“Hindi nating papayagan na sila ay maging beggars on their own land. Dapat kung ano’ng opportunities ang available sa mga unat… dapat ‘yung opportunity ay maibigay din natin sa kanila,” ayon kay Peace Kamp founder  Samuel Sagun.

Magtatayo rin ang grupo ng mga ‘learning center’ sa mga komunidad para magbigay ng internet connection para sa mga mag-aaral na katutubo.

Bukod sa ibibigay ng DepEd, gumawa rin ng ibang online modules ang BEF para sa karagdagang pag-aaral na angkop rin sa matatandang Aeta.

Para sa mga nais tumulong, maaaring magdeposito ng kanilang donasyon sa mga bank accounts na:

Dora Mae Tuazon (Gcash) — 09754351211

Bangketa Eskwela Foundation (BDO) — 5630475682

Eastwest Bank Account — 200040323235

Leave a Reply

%d bloggers like this: