Physical distancing sa Manila White Sand, bigo

Physical distancing sa Manila White Sand, bigo

HINDI na naipatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at Manila Police District (MPD) ang ‘physical distancing’ sa mga nagtungo sa Manila Bay white sand habang maging mga senior citizen at mga bata ay napayagan na ring lumabas nang walang pinamumulta sa mga ito.

Alas-5:30 pa lamang ng madaling araw nang mag-umpisang bumigat ang daloy ng trapiko sa lugar dahil sa pagdating ng daan-daang tao na nais masilayan ang kontrobersyal na ‘white sands’ na umano’y maaaring makatulong para sa ‘mental health’ ng publiko ngayong pandemya.

Ngunit dahil sa dami ng tao, hindi maiwasan na hindi na maipatupad ang isang metrong physical distancing nang magsiksikan ang mga tao sa overpass at entrada ng Manila Bay Sands dahil sa hanggang 50-70 tao lamang ang pinapapasok kada 3-5 minuto.

Kahit na ipinagbabawal ang paglabas ng mga nasa edad 21-pababa, ilan sa mga magulang na nagtungo sa white sands ay may bitbit na mga anak.  Isang grupo rin ng senior citizen ang dumating at na makaraan ang negosasyonn ay pinayagan rin kinalaunan na makapasok.

Sa ilalim ng panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious and Emerging Diseases (IATF), ipinagbabawal ang paglabas ng mga senior citizen ngayong pandemya kung hindi ‘essential’ ang dahilan nito.

Sa kabila ng kaguluhan, napagmasdan naman ang pagdating ng mga ‘migratory birds’ na ‘egrets’ sa white sand beach.

Leave a Reply

%d bloggers like this: