Recruitment agency sa Singapore, sinuspinde ng DOLE

Recruitment agency sa Singapore, sinuspinde ng DOLE

ISANG recruitment agency na nakabase sa Singapore ang sinuspinde ng Department of Labor and Employment (DOLE) makaraan ang patuloy na pagtanggi na resolbahin ang problema ng isang overseas Filipino workers (OFWs).

Sinuspinde ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang Union United Employment Pte Ltd nang ireklamo ng isang Pinay na domestic worker ng pangongolekta ng parte ng kaniyang sahod ng walang awtorisasyon.

Bigo rin ang ahensya na maidokumento ng maayos ang kaniyang pagtatrabaho sa kabila na may akreditasyon naman ito mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Epektibo ang suspensyon ng ahensya sa loob ng 60 araw. Habang epektibo ito, ititigil rin ng POLO at POEA ang pagpoproseso ng mga dokumento nito sa pagpapadala ng mga OFW.

Samantala, inirekomenda naman ng POLO-Singapore sa POEA na tuluyan nang ibasura ang akreditasyon ng ahensya para matigil na ang umano’y pambibiktima nito ng mga Pilipino nais magtrabaho sa naturang bansa.

Hinikayat ng POLO-Singapore ang mga OFWs na nakakaranas ng katulad na problema na tumawag sa kanilang mga telepono: 6737.3977 ext. 107, o sa mag-text sa cellphone number 90235608.

Leave a Reply

%d bloggers like this: