Telcos, inatasang isapubliko ang actual internet speed

Telcos, inatasang isapubliko ang actual internet speed

IPINASASAPUBLIKO ni House Committee on Information and Communications Technology vice chair Joy Myra Tambunting sa mga internet service providers ang actual internet speed na kanilang ibinibigay.

Ginawa ni Tambunting ang panawagan kasunod ng napakaraming reklamo sa internet connectivity sa gitna ng pangangailangan ng marami sa maayos na koneksyon dahil sa online classes at work from home scenario.

“Ang mga Internet providers, dapat sinasabi naman nila talaga ang totoo. Nagsabi naman ng totoo ang ating secretary that we are only receiving this number of Mbps (megabits per second),” diin ng kongresista.

“Ang mga Internet providers, masyado ang marketing nila. Hindi naman totoo ‘yung mga sinasabi nila doon sa marketing nila dahil the truth is, at tama rin ang sinasabi ng Secretary ng DICT, the infrastructure that we have for our Internet cannot provide us the Internet that providers say that they have,” dagdag nito.

Iginiit pa ng kongresista na dapat palakasin ng mga kumpanya ang internet connection sa pamamagitan ng pagsa

The lawmaker stressed the need for Internet service providers to improve their infrastructure to boost their Internet speeds.

“Kailangan mag-improve talaga ng infrastructure ang mga Internet providers. Kailangan talaga nila invest-an ng pera, maglagay sila ng logistics. Talagang kailangan nilang mag-build underground,” diin pa ng mambabatas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: