60-day grace period sa pagbabayad ng loans, hindi na mapalalawig pa

60-day grace period sa pagbabayad ng loans, hindi na mapalalawig pa

KUMPIYANSA si Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Benjamin Diokno na hindi na magkakaroon ng panibagong loan reprieve matapos ang 60-araw na grace period sa ilalim ng Bayanihan 2 law.
Saklaw ng grace period ang salary loans, housing loans at car loans na maaring bayaran hanggang sa katapusan ng taon.
“It’s one-time, mandatory and non-extendable. We are expecting that there would be no further extension as far as the 60-day grace period is concerned,” saad ni Diokno.
Nagkasundo ang mga mambabatas at mga bankers para sa 60-day loan reprieve sa ilalim ng batas dahil manageable pa ito sa kanilang negosyo.
Isinusulong naman ng BSP ang pagsasabatas ng Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) bill upang tulungan nag mga bangko na mabawsan ang kanilang bad loans.

Leave a Reply

%d bloggers like this: