BEEP Users, may reward points na sa PUV at retail stores

BEEP Users, may reward points na sa PUV at retail stores

KINUMPIRMA ng AF Payments Inc, ang operator ng stored value card na BEEP na mayroon nang reward points sa paggamit ng cards sa public utility vehicles at retail stores.
Mula August 22 hanggang Nov. 22, maaaring makapag-ipon ng points ang mga BEEP users at maipagpapalit sa load.
Para makasali sa rewards program, kailangang i-download ang beep mobile app at irehistro ang kanilang cards.
Sa bawat P1 na ginastos ay may katumbas na one point at ang 1,000 points ay maaaring i-redeem bilang P10 beep load.
“We’d like to do our part by promoting the use of the beep™ payment system not only for the convenience of passengers and efficiency for transport operators, but as a means to prevent the spread of diseases as well,” ayon sa kumpanya.
Ang Beep cards ay magagamit sa LRT1, LRT2 at MRT3 gayundin sa mga PUVs tulad ng P2P buses, EDSA buses at modern jeepneys.

Leave a Reply

%d bloggers like this: