Mga Malls, nakatutok na rin sa ‘online shopping’ at ‘digital catalogues’

Mga Malls, nakatutok na rin sa ‘online shopping’ at ‘digital catalogues’

PINALAKAS na rin ng mga mall ang kanilang online shopping at nagpalabas na rin ng digital catalogues sa gitna ng mababa pa ring bilang ng mga mamimili kahit pumasok na ang ber months.
“Marami pa ring takot na lumabas… and then may mga restriction na kailangan din sundin,” ayon kay Ayala Malls president Jennylle Tupaz.
“Malamang limitado at mas praktikal ‘yong Christmas shopping budget ngayon ng mga tao,” dagdag ni Tupaz.
“Although mayroon kaming ineexpect na spike in sales because of Christmas shopping, it will be less compared to last year,” pahayag naman ni Philippine Retailers Association chairman Paul Santos.
Nangako naman ang mga pamunuan ng ilang mall na mahigpit na ipinatutupad ang safety protocols sa kanilang mga gusali para sa kaligtasan ng mga mamimili kontra COVID-19, na nakahawa na sa higit 286,000 sa bansa.
Sa Quezon City, bukod sa pagsusuot ng face mask at shield sa pagpasok sa malls, may thermal scanners din sa mga entrance.
Naglagay din ang mga mall ng markings sa sahig at dingding, at marshalls na nagpapaalala ng pagsunod sa physical distancing.
Maaari rin namang mag-window shopping sa online catalogues at Viber communities.
May mga app na rin ang ilang mall kung saan puwedeng bumili ng e-gift certificates at digital coupons para sa discount.
May mga naglunsad din ng personal shopper service, kung saan itatawag lang sa mall ang nais ipabili at puwedeng pick-up na lang o ipa-deliver ang mga ipinamili.
“Part of the new normal is to be able to purchase online, because it’s convenient, it’s contactless, it’s safe. That’s why we have also been strengthening our digital initiatives,” diin pa ni Tupaz.

Leave a Reply

%d bloggers like this: