P19M multa, binayaran na ng Meralco

P19M multa, binayaran na ng Meralco

TUMUGON na ang Manila Electric Company sa atas ng Energy Regulatory Commission na magbayad ng P19 milyon na multa dahil sa bill shocks sa gitna ng lockdown.
“Please be informed that MERALCO paid the P19 million penalty imposed in the decision,” saad ng utility distributor.
Sa desisyon ng ERC noong Agosto 20, bigo ang kumpanya na ipaliwanag nang maayos ang paniningil nito ng bill sa mga customer kaya’t marami ang nalito.
Umapela naman ang Meralco sa kautusan na magbigay sila ng retail rate discount sa lifeline customers.
Ang lifeline rate ay discounted rate na ibinibigay sa low income households na hindi kayang magbayad nang buo.
Habang hindi pa nareresolba ang apela ng kumpanya, maaaring maipatupad ang retail rate discount sa October 2020 billing.

Leave a Reply

%d bloggers like this: