Provisional Authority ng NOW Telecom o 4th telco, pinalawig ng NTC

Provisional Authority ng NOW Telecom o 4th telco, pinalawig ng NTC

PINALAWIG ng National Telecommunications Commission (NTC) ang provisional authority ng itinuturing na 4th telco sa bansa na NOW Telecom Company, Inc. para sa mag-install, mag-operate at magmantine ng mobile telecommunications system.
Sa ilalim ng NTC order, kailangang magbigay ng additional capital na P1.9 billion batay sa unang dalawnag taong capital expenditure na P6.3 billion sa rollout plan at approval ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Nilinaw ng kumpanya na ang kanilang permit ay hindi naka-limit sa 3G o third-generation mobile communications technology at sa halip ay maaaring ma-extend sa iba pang teknolohiya tulad ng 4G, 5G, o kahit pa “outer space.”
Inatasan din ang kumpanya na madaliin nag pagkakabit ng broadband data service sa mga suburban at rural.
“We are moving forward with the corporate restructuring of NOW Telecom to take it to the next level. NOW Corp and NOW Telecom were the first to introduce 5G broadband speed of up to 3Gbps direct to our existing enterprise clients,” saad ni NOW Group of Companies founder and chief executive officer Mel Velarde.
Pinagbabawalan naman ng NTC ang NOW Telecom na ibahagi o ipagamit ang kanilang frequency sa PLDT o Smart Communications, Globe Telecom, at DITO Telecommunity Corporation nang walang permiso mula sa komisyon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: