Tubo sa mga sanglaan, pinabababa

Tubo sa mga sanglaan, pinabababa

ISINUSULONG ni Cagayan De Oro City Representative Rufus Rodriguez ang panukala na nananawagan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na atasan ang mga pawnshop na ibaba ang interest charges sa gitna ng COVID 19 pandemic.
Sa House Resolution 1212, iginiit ni Rodriguez na dahil sa krisis dulot ng pandemic, makatwirang mabawasan ang pasanin ng publiko.
“During this pandemic, it is just proper for the BSP to help our fellow Filipinos and mandate that pawnshops charge lower interest rates,” giit ng kongresista.
“Because of this, many are deprived of their opportunity to earn, resulting in them being unable to pay their bills, including rent and utilities,” dagdag pa nito.
Dahil sa kawalan ng kita, maraming jobless Filipinos ang napipilitang magsangla para magkaroon ng pandagdag na panggastos.
“However, such interest rate shall not be iniquitous, unconscionable or contrary to morals, if not against the law as may be determined by the court. These shall also be properly declared in accordance with the Truth in Lending Act,” diin ng mambabatas.
“Our people are already facing many problems right now, and high interest rates should not be one of them,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: