Bakuna kontra COVID, matatagalan pa

Bakuna kontra COVID, matatagalan pa

AABOT pa ng hanggang pito hanggang siyam na buwan bago tuluyang makabili ng bakuna kontra COVID-19 ang Department of Health (DOH) na nagsabi na sa ikalawang bahagi pa ng 2021 ang pinakamaagang petsa para magkaroon ng suplay nito ang Pilipinas.

Ito ay nang aminin ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na maaaring masimulan nila ang proseso ng pagbili at pamamahagi ng bakuna sa mga buwan mula Abril hanggang Hunyo ng 2021.

Paliwanag ni Vergeire, kailangan muna nilang matiyak na ligtas at epektibo ang mga bakuna bago tuluyang bumili ng mga ito.

“We need to ensure that all of these vaccines are safe and they are efficacious before we allow it to be sold or procured by the government,” ani pa ni Vergeire sa panayam sa telebisyon.

Sinabi ni Vergeire na nangako na rin naman ang Food and Drug Administration (FDA) na pabibilisin ang approval process para sa vaccine trials.

Leave a Reply

%d bloggers like this: