Electric scooters riders, oobligahing kumuha ng lisensya

Electric scooters riders, oobligahing kumuha ng lisensya

ILALABAS na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga panuntunan sa paggamit ng electric scooters na nagiging popular ngayon sa gitna ng limitadong mass transportation dahil sa COVID 19 pandemic.

Ayon kay Land Transportation Office chief Edgar Galvante, kasama sa ilalabas na guidelines ang pagmamandato sa mga electric scooters drider na kumuha na ng lisensya.
“Mayroon nang draft ng administrative order na magko-consolidate ng guidelines. Ito’y hinihintay lang na maaprubahan ni Secretary (Arthur) Tugade ng DOTr,” saad ni Galvante.
Aminado naman si Tim Vargas, founder ng Electric Kick Scooter Philippines na marami na rin ang sa mga gumagamit ng electric scooters ang maituturing na kamote riders.
“Dahil dumarami kami, dumarami rin iyong nakikita nating kamote riders. It’s the same with cars din naman saka mga motorsiklo… iyong mga motoristang binabangga iyong nanahimik na barrier,” saad ni Vargas.
Ilang lungsod na rin sa Metro Manila ang nagpapatupad ng patakaran na kinakailangang iparehistro ang electric scooters at dapat mayroong lisensya ang rider nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: