Mga cameraman na iligal na sinibak, wagi sa kaso laban sa GMA

Mga cameraman na iligal na sinibak, wagi sa kaso laban sa GMA

MATAPOS ang pitong taong pakikipaglaban, ganap na nagwagi ang nasa 30 cameraman sa kaso nila laban sa GMA Network Inc. (GMA) sa desisyong inilabas ng Korte Suprema.

Sa desisyon na isinulat ni Justice Marvic Leonen na inilabas noong Hulyo 13, idineklara ng SC Third Division na mga regular na empleyado ng GMA ang naturang mga cameraman at assistant camera man.

“The Court held that only casual employees performing work that is neither necessary nor desirable to the usual business and trade of the employer are required to render at least one year of service to attain regular status. However, employees who perform functions which are necessary and desirable to the usual business and trade of the employer attain regular status from the time of engagement,” ayon sa pahayag ng SC na inilabas nitong Martes.

Inatasan na ibalik sa kanilang mga dating posisyon ang mga cameraman at assistant cameraman makaraan ang desisyon na iligal ang ginawang pagtatanggal sa kanila noong 2013.

Dapat ring bayaran ng network ang kanilang mga backwages, allowances at iba pang mga benepisyo mula 2013.  Bukod dito, kailangan ring bayaran ng GMA ang attorney’s fee.

Ipatutupad rin ang legal na interes na anim na porsyento kada taon sa lahat ng bayarin sa bawat empleyado.  Susumahin ito ng korte hanggang sa mabayaran ng buo ng network.

Sa kaso ng mga nagpetisyon, kinuha silang empleyado ng network sa pagitan ng 2005 hanggang 2011.  Dahil dito, iginiit ng SC na mayroon nang ’employer-employee relationship’ sa pagitan ng GMA at mga petitioner.

Leave a Reply

%d bloggers like this: