Presyo ng pre-paid ng Globe, pinakamababa umano sa Southeast Asia

Presyo ng pre-paid ng Globe, pinakamababa umano sa Southeast Asia

IPINAGMALAKI ng Globe Telecom na pinakamababa na umano ang singil nila kada gigabyte (GB) sa kanilang prepaid service kumpara sa mga bansa sa Southeast Asia (SEA).

Sinabi ng Globe nitong Martes na kasalukuyang nasa P9 lamang ang kada GB ng kanilang Globe at Home Prepaid WiFi kumpara sa singil nila noong 2017 na aabot sa P23.

Mas mababa umano ito sa SEA na ikinumpara nila sa Thailand na sumisingil ng P11.25 kada GB, Singapore sa P35.60 kada GB at Indonesia sa P32.76 kada GB.

Ayon pa sa kumpanya, bumagsak na ng higit sa 60 porsyento ang kanilang broadband services mula noong 2016.

Ang kanilang Globe at Home Postpaid LTE ay nasa P9 kada GB na rin ang singil mula sa P26 kada GB o katumbas ng 65.38% pagbaba sa presyo.

Patuloy naman umano na pinapataas ng kanilang kumpanya ang kanilang kapasidad sa pagpasok sa 5G technology at paggamit ng fiber optic technology.

Sa kabila ng pagmamalaking ito, nananatili namang isa sa pinakamabagal ang internet connection ng Pilipinas. Kasalukuyang may avegage na bilis na 15.06 Mbps ang internet download na mababa sa global average na 26.12Mbps, ayon sa Speedtest Global Index noong 2019.

Leave a Reply

%d bloggers like this: