UV Lights delikadong gawing disinfectant

UV Lights delikadong gawing disinfectant

MAAARI umanong makaapekto sa paningin kung gagamitin bilang pag-disinfect kontra sa COVID-19 ang mga nabibili ngayong UV (ultraviolet) lamps, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa paalala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao ang UV lights kung madalas ang paggamit at kung matagal ang pagkakalantad dito.

“Ito ay maaring makaapekto sa ating mga mata and can even — doon sa severe na exposure — maaaring masira ang cornea ng mata ng isang tao. Pangalawa, maaaring makasunog ng balat. Pangatlo, meron din ho syang effect sa respiratory system sa matagalang paggamit,” ayon kay Vergeire.

Patunay nito ang demonstrasyon sa Baguio City na ginamit ang UV lights sa disinfection na nagresulta sa pagkakairita ng mata ng mga taong naroroon.

Bukod dito, sinabi rin ng opisyal na wala pa namang ebidensya na nagpapatunay na nakakatulong para mapatay ng UV lights ang COVID-19.

Ngunit inamin rin ni Vergeire na matagal nang ginagamit ang UV lights sa pag-disinfect sa mga ospital.  Pero kailangan umano na may sapat na pagsasanay at kaalaman ang sinuman na gagamit nito sa kanilang tahanan o sa iba pang establisimiyento.

Leave a Reply

%d bloggers like this: