Boracay bubuksan na para sa lahat ng turista

Boracay bubuksan na para sa lahat ng turista

IHANDA na ang inyong OOTD (Outfit of the day) dahil sa maaari na muling maglunoy sa malinaw na tubig at magpakuha ng litrato sa tunay na puting buhangin ng Boracay na nakatakdang buksan na sa publiko sa Oktubre 1.

Ngunit ‘wait muna’, ipinaalala ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na kailangan munang makapagpakita ng isang turista na negatibo siya sa COVID-19 confirmatory tests na isinagawa may 48-72 oras bago ang kanilang biyahe sa isla.

Pinayuhan ng DOT ang mga airlines nagamitin ang Godofredo P. Ramos Airport sa Caticlan bilang ‘entry point’ sa Boracay.

Isinara ang isla noong Marso dahil sa pandemya. Una itong binuksan nitong nakaraang Hunyo ngunit para lamang sa mga residente ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Negros Occidental, Bacolod at Iloilo.

Nakahanda naman umano ang nasa 199 hotels at resorts na tumanggap na ng mga turista makaraang mag-umpisa na silang mag-operate noon pang buwan ng Hunyo.

Bukod sa Boracay, tinitignan rin ng DOT ang iba pang ‘tourist destination’ na maaari nang buksan para sa unti-unting pagpapanumbalik ng industriya ng turismo.

Maaari na umanong magbukas ang mga tourist destination sa mga lugar na nasa ilalim na ng ‘modified general community quarantine’ ngunit kinakailangan pa ring magpatupad ng ibayong ‘health protocols’ para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Leave a Reply

%d bloggers like this: