Globe Telecom, maglalagay ng cellsites sa mga paaralan

Globe Telecom, maglalagay ng cellsites sa mga paaralan

PATULOY ang negosasyon ng Globe Telecommunications Incorporated at Department of Education para sa paglalagay ng cell sites sa mga paaralan.

Ayon kay Globe Telecoms General Counsel Froilan Castelo, pinag-aaralan na nila ang mga ilalatag na programa bilang suporta sa blended learning.

Sinabi ni Castelo na kasama sa pinag-uusapan nila ng DepEd ay ang paglalagay ng mga cell sites sa mga campus kapalit ng pagbibigay ng bandwith na magagamit ng mga estudyante at mga guro.

Ginawa ni Castelo ang pahayag sa gitna ng pagtatanong ni Senador Richard Gordon kung maaari ring makinabang ang mga paaralan sa mga cellsites ng Globe Telecoms sa mga military camps.

“Are they actually connected in the schools because this is one of the big problem with Covid. When we start opening the schools, we want to make sure that schools are capable of getting wifi of getting connected,” tanong ni Gordon kay Castelo.

“Your honor, what I can relay to right now is that we are in talks with the Department of Education to do e-learning for them,” sagot naman ni Castelo.

Bukod dito, sinabi ni Castelo na nakikipag-ugnayan din sila sa iba’t ibang lokal na pamahalaan na nais na magkaroon ng special engagement sa kumpanya para sa e-learning.

“Part of the arrangement is the cellsite location inside the schools which is again in exchange for the bandwith in schools. That’s part also of the negotiations and also maybe putting up educational aspect with the mentors, we also provide trainings to the teachers. Aside from a donation of equipment and gadgets for the teachers,” paliwanag pa ni Castelo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: