Smuggled gadgets, ido-donate ng BOC sa DepEd

Smuggled gadgets, ido-donate ng BOC sa DepEd

NANGAKO si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na ibibigay nila sa Department of Education ang mga nasabat nilang gadgets tulad ng cellphones at laptops upang magamit sa distance learning.

Sa ngayon, ayon kay Guerrero na nagsasagawa na sila ng imbentaryo sa mga nakumpiskang gadgets bago mai-turn over sa DepEd.

“Right now, we are just processing the deeds of donation so that these can be donated to the proper agency, of course subject to clearances provided by the regulatory agencies that cover these gadgets,” pahayag ni Guerrero.

Sinabi ng opisyal na bukod sa mga gadgets, plano rin nila na magbigay ng iba pang school supplies sa DepEd bilang tugon na rin sa atas ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na suriin ang mga kargamentong maaring itulong sa distance learning.

Una nang hinikayat ni Senadora Imee Marcos ang BOC na i-donate na lamang para sa blended learning ang mga nakumpiskang smuggled cellphone, tablets at laptops.

Sa impormasyon ng mambabatas, halos 29.5 tons ng mga cellphone, storage devices at electrical items ang nakumpiska ng BOC noong Agosto dahil sa kawalan ng clearance mula sa Bureau of Product Standards, National Telecommunications Commission at Optical Media Board.

Noong nakaraang taon, kabuuang P100 milyong halaga ng cellphone at mga baterya mula Hong Kong ang nasabat sa Clark Freeport Zone sa Pampanga, bukod pa sa P15 milyong halaga ng second-hand na cellphone, lithium batteries at phone accessories mula South Korea ang nakumpiska sa paliparan ng Maynila.

Leave a Reply

%d bloggers like this: