Tubig sa ilog, gagawing inuming tubig ng Maynilad

Tubig sa ilog, gagawing inuming tubig ng Maynilad

PLANO ng water concessionaire na Maynilad na magtayo ng apat na modular treatment plant upang linisin ang tubig sa ilang ilog sa Cavite para maging inuming tubig.

Sa ilalim ng reverse osmosis at ultra filtration, lilinisin ang tubig mula sa mga ilog gamit ang modular treatment facility na gawa sa Israel.

Target nito na malinis ang 26 milyong litro ng tubig upang maaari na itong inumin.

“Ito po ay may tinatawag na ultra filtration at mayroon din siyang reverse osmosis membrane, para masiguro namin na whatever ‘yong quality ng water dito sa Cavite, kaya siyang i-treat,” paliwanag ni Ronald Padua, water supply operations head sa Maynilad.

Ang plano ay bahagi ng hakbangin ng kumpanya na makahanap ng ibang source ng tubig gaya ng Laguna Lake dahil sa tumataas na demand.

Maari rin umanong gamitin ang modular treatment plant sa Manila Bay at Pasig River subalit mas magiging mahal ang teknolohiya para rito.

Para kay National Water Resources Board Executive Director Sevillo David Jr., huling opsyon na lang ang Pasig River at Manila Bay maliban na lang kung tatama ang malaking sakuna na ikasisira ng mga pasilidad.

Leave a Reply

%d bloggers like this: