Bulacan airport babahain- Phivolcs

Bulacan airport babahain- Phivolcs

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ngayon ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng maging problema sa pagbabaha at iba pang ‘geohazard’ na problema sa itinatayong New Manila International Airport sa Bulacan.

Sinabi ni Philvolcs director Renato Solidum na nasa malambot na lupa kasi ang itinatayong paliparan na tukoy na palaging binabaha.

“This river environment requires special engineering interventions to make buildings and infrastructure resilient to hazards due to earthquake events or to weather-related activities like heavy rainfall,” ayon kay Solidum.

Ngunit masosolusyunan naman umano ito kung maisasagawa ng mga kontraktor ang tamang aksyon dito tulad ng tamang disensyo at konstruksyon.

Tiniyak naman ng San Miguel Holding Corp. na nagpatupad na sila ng mas detalyadong ‘engineering design’ para masolusyunan ang sinasabing mga ‘geohazards’ sa paliparan.

Kabilang dito ang pagpapalalim sa mga kalapit na mga ilog para hindi umapaw ang mga ito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: