Kapasidad ng mga pampublikong sasakyan, itaas sa 80%

Kapasidad ng mga pampublikong sasakyan, itaas sa 80%

UMAPELA ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa gobyerno na payagan na ang 80 percent capacity sa mga pampublikong transportasyon upang unti-unti na ring bumalik ang sigla ng ekonomiya.

Hiniling din ng PCCI na payagan ang iba pang industriya na makapag-operate at padaliin na ang pagko-commute ng mga empleyado para mapataas ang consumer confidence.

Iginiit ng PCCI na maraming manggagawa ang napipilitang gumastos nang malaki sa kanilang pamasahe dahil hindi pa rin fully operational ang mga tricycle at jeep.

“Transportation is crucial to effectively revitalize businesses and help them recover. Many of our members continue to hurt even as they have been allowed to reopen because their workers are hampered by the lack of or absence of public transportation. Moreover, consumer demand continues to be low,” pahayag ni PCCI president Benedicto Yujuico.

“COVID-19 has been with us for 6 months now, and is not going away soon. We should not let it keep us hostage. Instead, we have to know how to move our way with the virus,” dagdag nito.

Iginiit ng grupo na mas makabubuting ipatupad na lamang ang safety protocols tulad ng ‘no talking’, ‘no eating’ at bawal ang paggamit ng cellphone sa loob ng pampubiko sasakyan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: