POGO hindi daw nagsisilayasan ng Pilipinas

POGO hindi daw nagsisilayasan ng Pilipinas

MAKARAAN ang pagbabago sa prinsipyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa West Philippine Sea, iginiit pa rin ng Malacanang nitong Huwebes na hindi maglalayasan sa Pilipinas ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na karamihan ay mga banyagang Chinese.

Ngunit inamin ni Presidential spokesperson Harry Roque maraming mga POGO ang hindi na nakapagbabayad ng kanilang mga buwis, isa sa panuntunan para patuloy silang makapag-operate.

“Ang nangyari po ay mga 20 plus lang out of 60 ang nag-comply doon sa requirement ng BIR [Bureau of Internal Revenue],” ayon kay Roque.

“Hindi naman po exodus ‘yan dahil malinaw naman po ang naging polisiya ng Department of Finance, pay up otherwise di kayo puwede mag-POGO operations dito.”

Una nang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Senado na ilang POGO na ang nagkansela ng kanilang ‘leasing contracts’ sa mga gusali sa Makati City.

Isa sa unang pinayagang makabalik ng operasyon noong Mayo ang mga POGO. Ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), may kabuuang 90,000 Chinese nationals na nasa bansa na nagtatrabaho sa POGO industry.

Leave a Reply

%d bloggers like this: