Serbisyo ng PLDT, magpapatuloy sa gitna ng maintenance schedule

Serbisyo ng PLDT, magpapatuloy sa gitna ng maintenance schedule

TINIYAK ng PLDT Incorporation na magpapatuloy ang kanilang serbisyo sa kabila ng ipatutupad na limang araw na emergency maintenance ng isa sa kanilang international cable systems.

Sa kanilang advisory, ipinaliwanag ng kumpanya na magkakaroon ng emergency maintenance ang Asia-America Gateway (AAG) submarine cables sa Hong Kong.

Magsisimula ang maintenance activity ngayong September 26, 2020, alas-9 ng umaga at tatagal hanggang sa September 30, 2020, alas-5 ng madaling-araw.

“We wish to assure our customers of continued connectivity, as we have alternative cable systems to keep our services going during this maintenance period of AAG,” saad ng PLDT.

Ipinagmalaki pa ng telco na nag-iinvest sula sa pagpapalawak at pagpapalakas ng kapasidad ng kanilang mga kasalukuyan at mga bagong international submarine cable systems tulad ng Jupiter Cable at Asia Direct Cable systems, upang magpatuloy ang kanilang serbisyo.

“Such investments are vital because bulk of internet content used by Filipinos comes from overseas,” paliwanag pa nito.

“PLDT assures its customers that measures, such as traffic rerouting and local caching, are already in place to minimize this activity’s impact, and to ensure that communication and internet services remain available to PLDT and Smart subscribers,” diin pa ng kumpanya.

Tiniyak ng PLDT na sa panahon ng maintenance, gagamitin ang kanilang reserba at dagdag na cable sytem upang suportahan ang operasyon ng PLDT at Smart.

Gayunman, magkakaroon pa rin ng pagbagal sa kanilang koneksyon sa oras na marami ang sabay-sabay na gumagamit.

Subalit tinitiyak na “no service will be denied, and internet traffic within the Philippines and to the US will not be impacted.”

Leave a Reply

%d bloggers like this: