U-turn slots sa EDSA pinagtatanggal

U-turn slots sa EDSA pinagtatanggal

KAILANGAN na namang mag-adjust ng mga motorista na regular na dumaraan sa EDSA makaraang pagtatanggalin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang U-turn slots para bigyang daan ang maayos na daloy ng EDSA Busway project.

Una nang ipinasara nitong LUnes ang U-turn slot sa southbound at northbound sa may EDSA malapit sa Trinoma Mall at North Avenue.

Kabilang rin sa mga planong ipasara ay ang: De Jesus, Gen. Tinio, Malvar, at Biglang-Awa sa Caloocan City; Balintawak, Kaingin, Landers, Dario Bridge, Walter Mart, Quezon City Academy, Trinoma, Timog, at Santolan sa Quezon City.

Maglalagay naman umano ang MMDA ng mga ‘directional traffic signs’ para maging gabay sa mga motorista na regular na gumagamit ng naturang mga U-turn slots.

Para sa isinarang U-turn slot sa may North Avenue, maaaring sundin ng mga motorista ang detour route na: (southbound to northbound) gamitin ang Quezon Avenue service road U-turn slot at (northbound going to southbound) maaaring gamitin ang Quezon Academy U-turn slot.

Katwiran ng MMDA, ang pagsasara ng mga U-turn slot ay magdudulot uamno ng mas mabilis na biyahe sa EDSA Busway at higit na makikinabang ang mga komyuters kung mapapababa pa ang oras ng kanilang biyahe.

May mga “left-turn” rin na maaapektuhan kabilang ang EDSA-Ortigas na patungo sa Greenhills, EDSA-Ortigas patungong Meralco at EDSA patungo sa Rockwell.

Leave a Reply

%d bloggers like this: