Bakuna kontra COVID para sa mga bata, mahuhuli

Bakuna kontra COVID para sa mga bata, mahuhuli

HULING makatatanggap ng bakuna ang mga bata sa buong mundo laban sa COVID-19 dahil sa pawang para lamang sa mga adult ang mga isinasagawang trials ng mga vaccine manufacturers.

Inamin ito ng Department of Health (DOH) dahil sa katwiran na kailangang makatiyak na ligtas at epektibo muna ang mga bakuna bago ibigay sa mga bata.

“In the current clinical trials for COVID-19 vaccines, children are not yet included because safety should first be ensured by testing the vaccine in the general population (adults),” ayon sa DOH.

Dahil dito, ipinayo ng DOH na huwag agad pataasin ang ekspektasyon ukol sa bakuna kung kailan ito pinakamabilis na matatapos.

“We have to manage our expectations especially with the resumption of classes. Again, the pandemic situation is very dynamic and evolving at unprecedented rates, so policies and directions may change as the situation develops. This also applies for the resumption of classes for our children,” paliwanag pa ng DOH.

Nabatid na unang nagpahayag ng pangamba ang mga health experts ng Emory University School of Medicine sa Atlanta, USA dahil sa wala pang isinasagawang vaccine trials para sa mga bata. Sinabi ni Dr. Evan Anderson na maaaring magdulot ito ng dagdag na panganib sa mga bata lalo na at aabutan muli ng pasukan sa 2021 na wala pang bakuna para sa kanila.

Tugon dito ng DOH, patuloy na humihingi ng kooperasyon ang Department of Education (DepEd) sa mga paaralan at unibersidad na isulong ang ‘minimum health standards’ at pagpapatupad ng alternatibong ‘school arrangements’ habang wala pang bakuna para sa kabataan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: