Caloocan City Vet may gabay sa pagbili ng karne sa internet

Caloocan City Vet may gabay sa pagbili ng karne sa internet

Naglabas ng mga gabay ang Caloocan City Veterinary Office hinggil sa pagbili ng mga karne sa gamit ang internet.

Ayon kay City Veterinarian Dr. Ted Rosales, mahalaga na maging mapanuri ang mga mamimili sa kanilang mga binibiling karne lalo na kung sa online lamang ang kanilang transaksyon.

Binigyang-diin ni Dr. Rosales na upang matiyak na ligtas kainin ang karne na bibilhin online, importante na lehitimo ang supplier at maayos na pagkaka-imbak ng karne.

Wala umanong masama kung hihingi ang isang buyer sa online seller ng karne sa mga impormasyon kung saan ito nanggaling at kung gaano katagal na itong nakaimbak.

Sinabi ni Mayor Oscar Malapitan na kailangang makatiyak ang publiko sa kanilang kalusugan kahit na limitado ang pagkilos at napipilitan na bumili ng mga pangangailangan sa pamamagitan ng internet upang mas maging ligtas sa virus.

 

Photo c/o Caloocan PIO

Leave a Reply

%d bloggers like this: