Factory at office workers, huwag nang pasuotin ng face mask at shields

Factory at office workers, huwag nang pasuotin ng face mask at shields

HINILING ng isang koalisyon ng mga business groups sa Pilipinas na bigyan ng eksempsyon sa pagsusuot ng facemasks at shields ang mga factory at officer workers upang mas maging epektibo sila sa pagganap sa kanilang mga trabaho.

Sa ‘joint letter’ na isinumite ng koalisyon sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases, hiniling nila na maging praktikal ang pamahalaan sa mga ‘workplace protocols’ para mabuhay ang ekonomiya.

Kabilang sa mga grupong ito ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Philippine Silk Road International Chamber of Commerce (PSRICC), Employers Confederation of the Philippines (ECOP), at Philippine Exporters Confederation (PhilExport).

“We respectfully take exception to the wearing of face shields inside the office and factories for the rest of our employees, since this can adversely affect their vision, physical safety and productivity,” ayon sa pahayag ng mga negosyante.

Ipinaliwanag nila na apektado ang produksyon sa paggamit ng mga manggagawa ng facemasks at face shields lalo na sa industriya ng konstruksyon at manufacturing kung saan nalilimitahan ang kanilang paningin.

Partikular ito sa mga sukat-sukat sa mga itinatayong imprastruktura at mga maliliit na parte naman ng mga electronic products.

“Please note that the situation in the workplace is not the same as on the streets, since office movements are controlled and guided by the safety and health protocols such as temperature checking, washing of hands and sanitizing footwear,” dagdag pa nila.

Maniniwala ang grupo na maaari namang gawing balanse ang pagtiyak sa kalusugan at ang industriya ng bansa sa pagpapatupad ng mga tamang protocols sa mga pagawaan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: