G-Cash mag-uumpisa nang mag-charge sa bank transfers

G-Cash mag-uumpisa nang mag-charge sa bank transfers

Wala na talagang libre ngayong panahon.

Ito ay makaraang ihayag ng G-Cash na mag-uumpisa na silang maningil ng ‘bank transfer charge’ umpisa sa Oktubre 1.

“Starting Oct. 1, 2020, a fee will be charged per transaction,” ayon sa notice na ipinadala sa mga G-Cash users.

Kasunod ito ng pahayag ng kamakailan ni Bankers Association of the Philippines head Cezar Consing na marami nang bangko ang magbabalik sa paniningil sa mga online transactions gamit ang InstaPay at iba pang apps sa Oktubre.

Sa pamamagitan ng InstaPay, maaaring maglipat ng hanggang P50,000 kada transaksyon sa isang bank account sa anumang lokal na bangko.

Ito ay sa kabila ng panawagan ng Bangko Sentral sa mga bangko na i-waive na nila ang mga transaction fees sa mga online transactions bilang tulong na sa mga Pilipino ngayong pandemya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: