Mga turistang papasok sa Baguio, isasailalim sa COVID-19 antigen test

Mga turistang papasok sa Baguio, isasailalim sa COVID-19 antigen test

Kung plano mo o ng inyong pamilya na magliwaliw sa Baguio City na unti-unti nang binubuksan sa mga turista, maghanda nang sumailalim sa COVID-19 antigen test.

Ito ay makaraang mapili ang Baguio City sa ‘pilot test’ ng antigen testing ng Department of Health.

Ginagamit ang antigen tests para malaman kung sino ang may aktibo pang impeksyon sa mga pasyente. Kinokolekta rin ang swab samples sa mga pasyente na isinasailalim sa monitoring ngunit hindi kagaya ng RT-PCR tests na umaabot hanggang tatlong araw ang resulta, makukuha agad ang resulta nito sa loob lamang ng apat hanggang anim na oras.

Malugod na tinanggap ito ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong at hiniling na ipagamit rin ang antigen testing sa mga turista na papasok sa kanilang lungsod para makatiyak na walang infected na manghahawa sa mga residente nila.

Inamin naman ng DOH na hindi pa inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang rapid antigen sa screening ng mga pasyente. Pero maaari naman itong gamitin sa mga lugar na walang makuhang RT-PCR testing kits.

Leave a Reply

%d bloggers like this: