Gobyerno, panahon nang magkaroon ng Hospital Ship – PCG

Gobyerno, panahon nang magkaroon ng Hospital Ship – PCG

HINIMOK ng Philippine Coast Guard (PCG) ang gobyerno na simulan na ang kauna-unahang Hospital Ship na maaaring maglayag sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa gitna pa rin ng nagpapatuloy na COVID 19.

Ayon kay PCG Commandant Admiral George Ursabia Jr., malaki ang maitutulong ng Hospital Ship upang maserbisyuhan ang mga mamamayan partikular sa mga malalayong lugar lalo na’t ang Pilipinas ay isang Archipelagic Nation.

Sinabi ni Ursabia sa pamamagitan nito mabibigyang proteksyon ang taumbayan hindi lamang laban sa armed threats kundi maging sa mga life-threatening at destructive consequences ng mga natural at man-made disasters at calamities.

Sa pagtaya, kakailanganin ng P3 bilyon para sa pagbuo ng Hospital Ship at dagdag na ₱1 bilyon para sa equipment at facilities.

Maaaring magmula sa general annual appropriations fund o sa national emergency fund ang pondo.

Ang isang Hospital Ship ay may sukat na 70 -85 meters ang haba, may bilis na hindi hihigit sa 25 knots sa 4,000 nautical miles.

Ito ay maaaring pamahalaan ng 20 PCG medical personnel o medical volunteers mula sa non-government organizations (NGOs).

Maaring tumagal ng 45 araw na non-stop operations sa karagatan ang Hospital Ship na may limang patient wards at dalawang operating rooms, gayundin ang x-ray, dental, consultation at medical laboratories.

Leave a Reply

%d bloggers like this: