Iligal na pagbubukas ng mga nightclubs, bantay-sarado

Iligal na pagbubukas ng mga nightclubs, bantay-sarado

MAKARAANG madakip ang higit sa 30 kustomer kasama na ang ilang Chinese sa isang nightclub sa Makati City, ipinag-utos ngayon ni Joint Task Force Shield Commander, PLtGen Guillermo Eleazar sa mga pulis sa Metro Manila na matyagang mabuti ang bars, nightclubs na nag-ooperate ng gerilya.

“So any attempt to accept customers is already a clear violation of the IATF (Inter-Agency Task Force against COVID-19) guidelines and possibly even local ordinances,” ayon kay Eleazar.

Inatasan ang mga police commanders na makipag-ugnayan sa mga Business Processing and Licensing Office (BPLO) ng mga lokal na pamahalaan para maipasara at mapagmulta ang mga lalabag na mga nightclubs.

“There were already instances in the past of drinking sessions leading to mass infection. As responsible business people, they should follow the existing rules so that they will not add to the coronavirus infection problems,” paliwanag ng heneral.

Pinagsabihan rin niya ang mga hindi makatiis na mga mamamayan na alalahanin ang kapakanan ng kanilang pamilya kung magtutungo sila sa mga bar na hindi pa pinapayagang magbukas at makakakuha ng virus na iuuwi sa kanilang pamilya.

Isang bar rin ang ipinasara kamakailan sa Tomas Morato sa Quezon City nang madiskubreng nasa 100 tao ang nagpa-party sa loob nito at lumalabag sa maraming quarantine protocols.

Leave a Reply

%d bloggers like this: