Indigent students, tiyaking makakasabay sa online learning

Indigent students, tiyaking makakasabay sa online learning

UMAPELA si Senador Grace Poe sa Department of Education (DepEd) na palakasin pa ang partnerships sa mga telco at mga pribadong sektor para sa pagbibigay ng oportunidad sa online learning sa mga indigent students.

Iginiit ni Poe na dapat mabigyan ng pantay na oportunidad sa online classes ang mahihirap na estudyante sa iba’t ibang sulok ng bansa at hindi lamang sila malimitahan sa printed modules.

Sa budget deliberation sa Senado, kinumpirma ni Education Secretary Leonor Briones kay Poe na mayroon na silang mga memorandum of agreement sa mga telecommunications service providers para sa magkatuwang na pagpapatupad ng mga programa para sa mga guro at mga estudyante.

Sa gitna na rin ito ng pag-amin ni Briones na batay sa kanilang survey, marami sa mga estudyante at magulang ang pinili ang modular learning sa halip na blended o online modality.

“Noong enrollment, tinanong namin ang mga bata at teachers kung anong preferred nila’t mga parents, they still opted for modular—‘yung gumagamit ng mga reading material,” saad ni Briones.

“The challenge for us (in the department) is to reduce our dependency on printed materials and move in the direction of tapping online tools for education,” dagdag pa ng kalihim.

“No child must be left behind,” sagot naman ni Poe kasabay ng pagdiriin na mahalagang maibagay ang pantay na oportunidad sa mahihirap na estudyante.

Una nang namahagi si Poe ng mga mobile gadgets sa mahihirap na estudyante sa ilang paaralan upang makatulong sa kanilang pag-aaral.

Leave a Reply

%d bloggers like this: