Pag-aaral sa pagiging epektibo ng ‘anti-blue light glasses’, inuumpisahan na

Pag-aaral sa pagiging epektibo ng ‘anti-blue light glasses’, inuumpisahan na

NAUUSO ngayon ang paggamit ng mga salamin na kumokontra sa ‘blue-light emission’ ng mga sari-saring gadgets o mga ‘anti-radiation glasses’ na mabibili ng mura sa sari-saring online stores.

Ngunit sinabi ni Dr. Ramon Basa, isang Occupational Family Medicine Specialist ng Asian Hospital and Medical Center, na hindi pa napatutunayan ang pagiging epektibo nito para maprotektahan ang ating mga mata kaya naman nagsasagawa na ngayon ang mga eksperto ng pag-aaral sa mga salaming ito.

Sinabi ni Dr. Basa na nasa tatlong oras lamang dapat ang exposure ng mga mata kada araw.

Ngunit dahil sa halos lahat ng aktibidad ngayong nagpapatupad ng ‘work from home’ at ‘online classes’, hindi na maiwasan na lumagpgas dito ang marami na nagdudulot ng tinatawag na ‘Computer Vision Syndrome o Digital Eye Strain.’

Kabilang sa epekto nito ay ang paglabo ng paningin, ‘dryg eyes’, sakit ng ulo at pagkakaroon ng ‘double vision’.

Ang sanhi umano nito ay ang ‘blue light’ na inilalabas ng mga gadgets na nakasasama sa retina ng mata.

Kung labis talaga ang exposure, maaaring magdulot ito ng tinatawag na “Gray Matter Atrophy” o ang pagliit ng isang parte ng utak. Magiging epekto nito ang paglabo ng memorya at hirap sa konsentrasyon sa mga gawain.

Upang maiwasan ang mga ito, makatutulong umano na gumamit ng gadgets na may tamang liwanag at i-adjust sa mababa ang liwanag ng gadgets.

Leave a Reply

%d bloggers like this: