Provincial buses, gustong magtaas ng pamasahe

Provincial buses, gustong magtaas ng pamasahe

HINDI pa man nag-uumpisang makabiyahe, hinihiling na agad ng mga operators ng mga provincial buses na payagan sila ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magtaas ng pamasahe dahil sa inaasahang pagkalugi sa ipinatutupad na physical distancing sa mga pampublikong sasakyan.

Una nang binuksan ng LTFRB ang 12 ruta para sa operasyon ng provincial buses at pananatilihin ang dating singil sa pasahe.

Iginiit ng South Luzon Bus Operators na magkakalugi-lugi sila dahil sa 50% lang ng kapasidad ng kanilang mga bus ang papayagan.

Ngunit hindi pa man nauumpisahan ang kanilang pagbiyahe, nais agad hilingin ng mga operators na magbukas pa ang LTFRB ng dagdag na mga ruta at payagan ang mas maraming bus na bumiyahe.

Kabilang sa mga ruta na binuksan ng LTFRB ang:

– San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City
– Batangas City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx)
– Lemery, Batangas – PITx
– Lipa City, Batangas – PITx
– Nasugbu, Batangas – PITx
– Indang, Cavite – PITx
– Mendez, Cavite – PITx
– Tagaytay City, Cavite – PITx
– Ternate, Cavite – PITx
– Calamba City, Laguna – PITx
– Siniloan, Laguna – PITx
– Sta. Cruz, Laguna – PITx

Leave a Reply

%d bloggers like this: