Bagsak na presyo ng Palay, pinaiimbestigahan

Bagsak na presyo ng Palay, pinaiimbestigahan

NAIS ni Senador Ralph Recto na imbestigahan ng Department of Agriculture ang bagsak na presyo ng palay na nasa P12 kada kilo ngayon na anya’y mababa pa sa presyo ng face mask.

Sinabi ni Recto na iniulat ng gobyerno na noong unang linggo ng Setyembre nasa P17.64 ang average farm gate price ng isang kilo ng palay, subalit dapat itong beripikahin ng DA dahil hindi ito nangyayari.

“The least that the DA can do is to spot areas where palay is being bought at bargain prices and recommend measures on how to shore it up so that farmers will not be at the losing end,” diin ni Recto

Sa presyong ito, iginiit ni Recto na hindi mababawi ng mga magsasaka ang production cost.

Dapat din anyang aralin ng DA ang bultong imports ng bigas at ang posibilidad na itigil muna ito kung kinakailangan.

“Akala ko ba, our suki rice exporting countries have adopted a policy of rice nationalism wherein they are limiting, if not banning, the export of rice as a buffer during the pandemic?” saad ni Recto.

“Kung ganyan ‘yan, at hindi maagapan, baka maging plantito at plantita na lang ang mga rice farmers kung nakikita nila na mas mas mahal ang bentahan ng mga ito,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: