Bohol bubuksan na rin sa mga turista

Bohol bubuksan na rin sa mga turista

NAKATAKDANG buksan na rin sa turismo ang mga tourist destination sa lalawigan ng Bohol ngayong darating na Oktubre 1, ayon sa palasyo ng Malacanang nitong Lunes.

“I understand Bohol might be opening soon within the month of October if I’m not mistaken,” ayon kay Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque.

Kabilang sa mga pamosong destinasyon sa Bohol ay ang Chocolate Hills, Panglao Island at iba pang mga waterfalls sa isla.

Dito rin makikita ang pinakamaliit na primate sa buong mundo– ang Tarsier.

“Unti-unti naman pong nagbubukas ang ating mga tourist spots,” ayon pa kay Roque.

Nauna na dito ang pagbubukas ng ‘world famous’ na isla ng Boracay kasabay ng paghahayag sa pagbubukas na rin ng mga destinasyon sa Ilocos Norte tulad ng Pagudpod beach habang unti-unti ring binubuksan sa mga turista ang Baguio City.

Kasabay ng mga pagbubukas, pinaalalahanan ng Department of Tourism ang mga turista na maging disiplinado at palagiang sumunod sa ‘miminum health protocols’ para hindi mapaalis ng wala sa oras sa mga pinupuntahang tourist site.

Leave a Reply

%d bloggers like this: