Publiko, pinayuhang tangkilikin ang tuna at iba pang high-value fisheries products

Publiko, pinayuhang tangkilikin ang tuna at iba pang high-value fisheries products

PINAYUHAN ng dating opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko na tangkilikin ang locally produced high-value fisheries products tulad ng tuna upang mabawi ang nawawalang export revenues ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Kasabay nito, hinimok ang gobyerno na tulungan ang local exporters na matukoy ang domestic markets kung saan maaaring maibenta ang kanilang mga produkto lalo ngayon na mahirap ang pag-eexport.

Ayon kay Asis Perez, dating director ng BFAR, patuloy ang pagbagsak ng export revenue ng bansa dahil sa mababang demand mula sa Japan at ilang European countries.

“Some of our bigger tuna production, we normally bring that to Japan, but of course the Japan economy is also affected by the pandemic. It has a huge effect on exports,” saad ni Perez.

“Then there’s the Philippines-Europe chain wherein we bring fisheries products to European countries by plane, but since flights are still irregular, as much 500 kilograms to 2 tons of fisheries products are affected,” dagdag nito.

Ipinaalala pa ng dating opisyal na ang mga produktong ito ay maaari lamang maitransfer sa pamamagitan ng eroplano dahil dapat dumating sa destinasyon sa loob ng 48 oras.

Sinabi ni Perez na maging sa merkado ay bagsak ang bentahan ng high value fisheries products na hindi katulad ng bangus at tilapia na madaling maibenta.

“We need to encourage local consumption. Producers are problematic where to sell their products,” diin nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: