Sugalan sa itatayong Bulacan ecozone, tinutulan ng San Miguel Corp

Sugalan sa itatayong Bulacan ecozone, tinutulan ng San Miguel Corp

TUTOL ang San Miguel Corp. sa paglalagay ng mga casino at iba pang uri ng pasugalan sa panukalang itatayong Bulacan economic zone tulad ng mga POGO.

“In San Miguel Corporation po, we are not in favor of gambling and POGOs (Philippine Offshore Gaming Operators) and all those in the ecozone but we also have to consider po that the Board will be the one in charge of these locators,” ayon kay San Miguel government relations unit head Melissa Encanto-Tagarda.

Inihayag ni Tagarda ang posisyon ng korporasyon sa pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs ukol sa itatayong Bulacan Airport City Special Economic Zone And Freeport kung saan itatayo rin ang New Manila International Airport.

Ngunit sinabi ni Tagarda na hindi ang San Miguel Corp. ang mamamahala sa ecozone ngunit ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kasama ang ibang sektor ng pamahalaan.

Nitong nakaraang buwan, inaprubahan na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlong pagdinig ang panukalang batas sa pagtatatag sa Bulacan Airport City Special Economic Zone And Freeport.

Ngunit sinabi ni Bulacan Governor Daniel Fernando na hindi pa nakonsulta ang provincial government ukol sa panukala sa economic zone.

Leave a Reply

%d bloggers like this: