Alkohol sumasabog sa loob ng sasakyan

Alkohol sumasabog sa loob ng sasakyan

PARA sa mga motorista na nag-iimbak ng bote ng alkohol sa loob ng sasakyan, ipinaalala ng Food and Drugs Authority (FDA) na sumasabog ito kung mainitan tulad ng naganap na aksidente na nag-viral sa social media.

Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na lahat ng alkohol ay maaaring magliyab lalo na sa mga kundisyon sa loob ng sasakyan.

Ipinaalala niya na ang mga bote ng alkohol ay may nakalagay sa label nito na gabay na kailangang laging mahigpit ang pagkakasara nito at iimbak sa temparatura na hindi hihigit sa 30 degree Celsius.

Sa viral post, kita ang litrato ng isang sedan na wasak ang salamin, nasira ang interior at upuan at isang sirang bote ng alkohol na tumapon ang mga laman.

Mula nang mag-umpisa ang pandemya sa kaagahan ng taon, marami nang tao ang nag-imbak ng mga alkohol dahil sa isa ito sa pangunahing panlaban sa virus. Nagresulta ito ng hoarding at kaubusan ng suplay dahil sa panic buying na kinalaunan ay humupa rin.

Marami rin ang mga motorista na naglalagay ng alkohol sa loob ng kanilang behikulo na nakakalimutan nang tanggalin sa loob ng sasakyan o kaya naman ay pinananatili sa kotse para palagiang may magagamit.

Leave a Reply

%d bloggers like this: