Alokasyon ng tubig sa Metro Manila, babawasan pa

Alokasyon ng tubig sa Metro Manila, babawasan pa

MULING ibababa ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon nito ng tubig para sa Metro Manila simula sa Huwebes, October 1.

Ito ay dahil sa mababa pa ring lebel ng tubig sa Angat Dam na pangunahing pinanggagalingan ng mga water concessionaire para sa suplay sa Metro Manila.

Ayon kay NWRB Exec. Dir. Sevillo David Jr, ibababa ulit sa 44 cubic meters per second ang alokasyon sa Kamaynilaan.

“Considering the level of Angat Dam at around 3 meters below the minimum operating level of 180 meters and to manage the relatively low level of the dam, the Board approved the allocation of 44 meters per second for MWSS and 25 cms for NIA for the month of October,” saad ni David.

Noong Setyembre ay ibinaba ng NWRB sa 46 cms ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila mula 48 cms dahil sa pagbaba ng water level sa dam.

Pinapayuhan naman ang publiko na magtipid pa sa paggamit ng tubig habang hindi umaangat sa tamang lebel ang tubig sa Angat Dam.

Leave a Reply

%d bloggers like this: