Batanes may kaso na rin ng COVID-19

Batanes may kaso na rin ng COVID-19

KUNG nasa bucket list ninyo ang Batanes na isa sa pupuntahang destinasyon sa unti-unting pagbubukas ng mga tourist site ng Department of Tourism (DOT), matuloy kaya ang biyahe ninyo nang makapagtala na ang lalawigan ng kauna-unahan nilang kaso ng COVID-19?

Matapos nga na siyang kaisa-isang lalawigan na COVID-free mula pa noong Marso, hindi napigilan ang pagkakaroon na ng pasyente ng COVID-19 makaraang isang 29-anyos na residente ang magpositibo sa swab test.

“With Batanes recording a confirmed case, this means that all provinces have/have had COVID-19 cases na,” ayon sa DOH.

Sa ulat ng Batanes Provincial COVID-19 Task Group, isang residente ang na umuwi sa probinsya nitong Setyembre 22 ang na-test na positibo sa COVID-19 nitong Lunes.

Base sa kaniyang ‘travel history’, lumalabas na galing siya sa isang quarantine facility sa Sta. Rosa, Laguna.

‘Asymptomatic’ o walang sintomas naman ang pasyente at dinala na sa isang ‘quarantine facility’ sa Basco, Batanes habang ang lahat ng nakasalamuha niya ay isinasailalim na rin sa ‘close monitoring’ ng lokal na pamahalaan.

Sinabi naman ng Department of Health (DOH) na hindi pa naiuulat sa kanilang database ang naturang kaso sa Batanes nitong Setyembre 29.

Nakikipag-ugnayan na umano sila sa lokal na awtoridad para makakalap ng mga dagdag na impormasyon ukol dito lalo na at unti-unti nang binubuksan sa mga turista ang mga tourist destination sa bansa. Isa ang Batanes sa paboritong pasyalan ng mga lokal na turista dahil sa magagandang tanawin nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: