P8 base fare, suporta ng AirAsia sa pagbubukas ng Boracay

P8 base fare, suporta ng AirAsia sa pagbubukas ng Boracay

BILANG pagpapakita ng suporta sa pagbubukas muli ng Boracay simula sa Huwebes, October 1, nag-alok ang AirAsia Philippines ng P8 na base fare bukod pa sa iba pa nilang deals.

Bukod sa P8 base fares, magkakaloob din ang kumpanya ng hotel deals offer na 30 percent off sa flights at 8 percent off sa Boracay activities sa paggamit ng coe BORA8 sa kanilang website mula September 29 hanggang October 4.

“The overall implementation of this reopening will be the model for the restoration of leisure travel to more domestic destinations. Right now, our goal is to stimulate activity inside local economies by supporting businesses and enterprises heavily affected by the pandemic,” saad ni AirAsia Philippines CEO Ricky Isla.

Una nang kinumpirma ng Department of Tourism na maaari nang tumanggap ng turista ang Boracay simula October 1.

Kailangan lamang magpakita ng medical certificate na inisyu ng government physician;
travel authority pass mula sa Philippine National Police (PNP); Health Declaration Card na makikita sa aklan.gov.ph, negative RT-PCR test results; at booking confirmation details para sa hotel/resort.

Samantala, kinumpirma rin ng Philippine Airlines na bubuksan na rin nila ang kanilang biyahe papuntang Boracay.

Ang unang Manila – Caticlan – Manila flight o PR 2041, ay lilipad simula October 1 habang susundan ito ng biyahe sa October 4 at October 9.

“Our Caticlan flights are here to support the Department of Tourism’s vision to reopen Boracay island and other tourist destinations around the country. PAL, DOT and travel industry stakeholders are working together to support jobs and livelihoods by rejuvenating domestic tourism,” saad ng Philippine Airlines.

Leave a Reply

%d bloggers like this: