5G Network, ligtas ba?

5G Network, ligtas ba?

HABANG patuloy ang pag-usap sa teknolohiya sa komunikasyon, may mga pagtatalo ngayon sa epekto ng isinusulong na 5G mobile telephones sa kalusugan ng mga konsyumer dahil sa mas malakas na ‘frequency’ nito at nangangailangan ng mas mabababang mga tower.

Ngunit ano ang 5G?

Nauna nang gamit sa Pilipinas ang GSM (Global System for Mobile Communications) o ang 2G network, na sinundan ng EDGE, pagkatapos ang 3G at ang ginagamit ngayon na 4G LTE (Long Term Evolution) na data network.

Kasunod na nito ang 5G na sinasabing mas malakas ang internet connectivity at magbibigay ng smootest browsing experience sa lahat ng mobile, laptop at anumang gadget users. Kaya umano nito na hawakan ang mga command ng ‘self-driving vehicles’, pumasok sa ‘virtual reality, at makapasok sa lahat ng servers at iba pang mga sensitibong aplikasyon.

Ngunit para makamit ito, kailangan siyempre ng pagtatayo ng mas maraming imprastruktura tulad ng mga cell towers at kable sa pinakamaraming lugar para mapalitan ang mas lumang uri ng network.

Mas maiksi umano ang signal ng 5G at mas madaling harangan ng mga gusali o bundok kaya kailangan ng mas marami at mas mabababa na mga signal towers.

Dahil dito, mas malaki ang pangamba ng tao sa posibleng masamang epekto ng ‘radiowaves’ sa kalusugan.

Ngunit hindi lamang mobile phones ang may ‘radio waves’, pati na rin ang dati nang mga ginagamit na TV, radio at maging ang Wi-Fi.

Ayon sa World Health Organization (WHO) na wala naman umanong epekto sa kalusugan ng tao ang radiowaves ng mga gadgets dahil sa mababang exposure.

Ngunit ayon naman sa ANSES safety agency ng France, kapag tumama umano ang radio waves sa katawan ay nagkakaroon ito ng epekto tulad ng pag-init ng ‘body tissue’. May epekto umano ito sa pagtulog at ‘stress level’ ng tao ang sobrang paggamit ng mga gadgets na naglalabas ng radio waves.

“To date, and after much research performed, no adverse health effect has been causally linked with exposure to wireless technologies,” giit ng WHO ngunit inamin rin nila na wala pang mga pag-aaral sa paggamit ng 5G technology.

Ilan sa mga kasalukuyang concern sa paggamit ng mobile phones ang posibleng maging sanhi nito ng cancer at epekto sa ‘cognitive ability’ ng mga bata na maaga pa lamang ay mataas na ang ‘exposure’ sa mga gadgets

Leave a Reply

%d bloggers like this: