DOH may ipapalit sa PhilHealth

DOH may ipapalit sa PhilHealth

SAKALING totohanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuwag sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), sinabi ng Department of Health (DOH) na tiyak na may ipapalit naman sila para magbigay ng serbisyong-medikal sa mamamayan.

“We assure the population kung sakali nga na iyan ay matutuloy, ‘di papayagan ng gobyerno na walang ipapalit na financial mechanism para patuloy pa ring maka-support at makapangalaga sa ating mga kababayan pagdating sa financial mechanism sa kanilang kalusugan,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Nasa ilalim naman umano ng kapangyarihan ng Pangulo ang pagbuwag o pagsasapribado ng PhilHealth na kaniyang ibinanta nitong nakaraang Lunes ng gabi.

“Ang ating Pangulo ng Pilipinas ay may ganyang prerogative base sa ebidensyang inihahain sa kaniya kung sa tingin niya at ipapa-privatize o tatanggalin ito ay kaniyang magiging desisyon,” ayon kay Vergeire.

Sa ngayon, kailangan pa munang maghintay sa magiging pag-aaral ng Office of the President at sa ibabang desisyon ukol sa estado ng PhilHealth.

 

Leave a Reply

%d bloggers like this: