Isanlibo na may “BOA” sa gitnang pangalan ni PRRD, collector’s item o peke?

Isanlibo na may “BOA” sa gitnang pangalan ni PRRD, collector’s item o peke?

SA halip na sayangin, ilang netizen ang nagsasabi na maaaring maging mas malaki ang halaga ng kumakalat ngayon na P1,000 bill na may “BOA” na gitnang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa mga netizen, magiging ‘collector’s item’ umano sa hinaharap ang naturang pera kung mapapanatili ang pagiging ‘mint state’ nito.

Sa kabila nito, sinabi naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BPS) na peke umano ang naturang pera na nag-viral sa social media at tumangging aminin ang naging ‘typo error’.

“Based on verification by the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), the 1000-Piso banknote with the alleged misspelled middle name of President Rodrigo Roa Duterte featured in a story in a website is not legal tender,” ayon pa sa BSP.

Sinabi ng BSP na ang serial number sa nag-viral na pera ay hindi tumutugma sa anumang inilabas nila na bagong P1000 na bahagi ng “Enhanced New Generation Currency banknote.”

Sa halip na “ROA” na gitnang pangalan ng Pangulo ay napalitan ito ng “BOA”. Ang “Boa” ay isang uri ng malaking ahas na pumupulupot sa kaniyang pagkain at walang kamandag.

Leave a Reply

%d bloggers like this: