Manila Water at Maynilad, inatasang magbigay ng installment scheme

Manila Water at Maynilad, inatasang magbigay ng installment scheme

INATASAN ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Manila Water Co. Inc. at Maynilad Water Services Inc. upang magbigay ng tatlong buwang installment scheme at isang buwang grace period sa pagbabayad sa water bills ng kanilang mga kliyente.

Ang kautusan ay alinsunod pa rin sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2),.

Sakop ng kautusan ang mga bill sa sa panahon na naisailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified ECQ (MECQ) ang lugar ng mga consumer.

“The said directives will provide customers ample time to update payments for water bills that fell due within the 04 to 18 August 2020 MECQ period without incurring interests, penalties and other charges,” saad ng MWSS.

Matatandaang naibalik sa MECQ ang Metro Manila at ilang lalawigan makaraang humingi ng time out ang medical frontliners.

“The MWSS RO assures the public that it will do everything in its mandate to protect their welfare and provide the assistance they need to alleviate the financial burden brought about by the coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic,” diin pa ng regulator.

Nangako naman ang dalawang kumpanya na susunod sa direktiba ng MWSS.

Leave a Reply

%d bloggers like this: